Jan 30, 2006

ì am tÅggêd

wala sana akong planong mag post today dahil wala namang unusual na nangyari saken, hehe but dahil i am tagged by skwayred about the 5 weird things na dipa alam ng nakakarami, eh eto na pagkakataon ko ng magkalat, este umamin kung ano ano ang mga ito.

* i can control my dreams. yes tama yang nababasa nyo, may times na if may humahabol saken or a zombie is about to eat me, biglang iisipin ko lang na pooff i am one of them para diko na mavisualize na kakagatin ako.(ok i know thats horrible) in dreams, i dont just watch..but i also become a part of it.

* i have this favorite unan na bago ako matulog lage kong hinihimas ung tip nun till i fall asleep. i get this habit when i was young, nagpapalit na lang ng unan dahil naluluma but i keep the same habit.

* i love guy stuff, i watch basketball, ufc and boxing, i play strategic pc games. i have two bros and my dad kaya siguro nainfluence nila ako sa mga ganyang bagay. may times talaga na malakas ang masculine adrenaline ko at nahohook ako sa mga ganun. nakatulong din naman kahit papano, at least naiintindihan ko how guys are drooling over those thingy.

* i talk to myself literally, well of course only when im alone, medyo masagwa ata if may kaharap na ibang tao hehe. i do this as part of my routine, esp mga bagay na dimo masabe sa isang tao, ayun bino voice out ko sa mirror.

* i find it interesting debating or argumenting about religion, kaya madalas ang hangout ko sa mga forum is mga pang religion, not because im religious, natutuwa kase how ppl react sa mga stuff opposing their beliefs. gusto ko rin na mag assess ng tao, just by observing them, nasasabe ko if mabuting tao si ganto or si ganyan may pagka plastic.

there u go.....and dahil dito, gusto ko ring i-tag si sesh and blissy. gusto ko malaman kung ano ano pa ang weirdo sa kanila..haha. join kayo ha.

OT: did i mention na kasama pala ako sa mukamo rsd of the week, kaya ayun naka post dun, nung una hinahanap ko sa ilalim kung nasan or sinong walang magawang nag alis ng rsd ko, hehe nasa taas na pala (sensya na duleng eh) im not too sure anong basis for including me there. :D

02:10 Posted in BLôggÅg | Comments (2)

Jan 28, 2006

mahaba habang kwentuhan

diko alam kung baket kelangan ko pa maglagay ng entry dito samantalang dalawang linggo na ung nakalipas at diko man lang naisipan magsulat ni katiting na bagay dito. napaka imposible namang walang nangyari saken in two weeks at napaka lame naman sbihin na tinamad kase ako. pero totoo nga. tinamad ako dahil pagod na ako once na tapos na ang shift ko sa trabaho. ganun ako ka occupied ngayon na para bang ang time gusto ko ng huminto para at least may time akong mag blog. mahirap na kaseng magtampo tong mumunti kong blog at di na ko bigyan ng "K" para maglagay ng kung ano ano.

so ano nga ba ang pinag gagawa ko sa loob ng halos dalawang linggong nawala ako. nawala sa sarili?!?! ahh medyo, maraming nangyaring gusto kong deadmahin ung tipong kung pwede mo na lang burahin sa mga events sa buhay mo, kaso hinde eh..talagang dapat mangyari un. so ano nga ba iyon?? hmm ung iba di pwedeng ilagay sa ere, hehehe.

may mga bagay na nagpasaket sa ulo ko, ang maliit napapalake, ang mabuti napapasama. meron pang mga tao na naiinggit ata samen kaya naman gusto kameng wasakin to the extreme. pero wala kong pakelam sa kanya/kanila. what i am after is meron bang kapararakan tong mga umaaksaya ng oras ko? if none, i shall eradicate them.

ung iba diko na maalala, pero meron din naman na magagandang bagay. ahh oo nga pala last week nabisita ko ung tita kong may anak na, hehe kamukhang kamukha nya. na amaze ako kase para silang pinagbiyak na bunga, and i was amaze how fragile the baby is. ung tipong dinidilat nya ung mata nya eh wala pa naman syang nakikita.

TO BE CONTINUED...

12:40 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Jan 09, 2006

lets get d party started

tuwang tuwa ako dahil makakapag pahinga na naman ako. yes that’s how I long kumawala sa trabaho, ang samantalahin ang mga araw na makakapag rest ako. wahehe shh lang. sa araw na to masusukat ang budget ability ko. Kundi ba naman at khit ppano’y may nakuha akong pera at pinag iisipan ko kung san ba to best dapat ilagay. Op kors dapat bigyan si mommy ng lagay, pampadulas kumbaga hehe.biglang naisipan kong bumili ng choco mallows pampasalubong sa bahay…dhil wala lang. tinablan na naman ako ng katakawan ko. It pays off kase nabusog kame.

ano nga ba ang sked ko for today? hmm ay oo nga pala later I will be seeing my buddies, opismates kumbaga na lage ko namang kaayaan sa mga gimiks. oops di ako nagrereklamo ha sinasabe ko lang how frequent each of us wanted to see each other dahil sa mga baon naming chikahan. Charing. Di nga promise. Our first destination is in gerrys grill at libis. 6pm ang usapan, pero for whatever reason nagsakitan ang tyan ng halos karamihan sa amen. Fud poison? No siguro excited lang kameng lahat sa lakad. (Haha parang bata.) Seriously khit papano natutong makisama ang mga sikmura namen dahil alam naming mapapasabak kame sa kainan. So ang usapang 6pm, na move to 9pm. Hehe pero nakumpleto kame ng 10pm, haha fyi all girls to, so don’t ask me why very Filipino time.

At gerry’s we had tahong ala pobre, crispy pata, sisig, chicken at sinigang na hipon. At syempre pag ka serve ng fud, galit galit muna.harharhar. after ng chibugan, di na namen alam where to go, but we decided to go to Corinthian ktv. This will be our first time sa place na to, it was around past 12 midnight kaya officially Sunday morning na. hehe wow gimik together for about two days ang dating hehe. nakakatawa pa nga eh, kase immediately paglabas namen ng elevator going to the ktv, medyo blue ung lightings nila, then may bumungad sa ameng dalawang guys, na nakaputi na napagkamalan kong hmm masahista hahah. op kors medyo nahintakutan ako at natawa considering the thought.

silly but funny we also tried the shooters name pa lang ng shooters pampainit na, hehe. Most of us had a zip on bj, sperm cell, foreplay and ung iba bawal ng ilagay here. Haha.
all of the ladies here have muks account, ung iba nga lang not that active, while the three of us, eto at survivor pa. it was 4 in the morning nung nagsara na ang ktv, nag antay na lang kameng mag umaga para mas safe umuwi. tumambay muna kame in mcdonalds sa eastwood and i had double chocolate frappe. it was around 5:30 nung nagkanya kanyang uwian na kame, haay salamat, makakatulog na rin ako..whew!

09:55 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Jan 08, 2006

What is iya?

use this in a sentence: iya

badtrip naman akala ko makakaubra, kundi ba naman ang malas ko at ang hirap nyang kumbinsihin, iiiyamot!

Main Entry: iya (named after a female name, women coined this term)
Part of Speech: can be verb, can be interjection
Definition: expression u use if u just wanna say shitty out of nothing. or a blab.
Synonyms: kainis, kaasar, kabuwisit...halos lahat ng "ka"
Source: Diksyutawa First Edition(v1.1)
Copyright © 2006 by Eghays Lexicon Group. All rights reserved.

01:05 Posted in DiKsyùTÄwä | Comments (0)

Jan 04, 2006

up from the grave

para akong nalibing sa ilalim ng lupa, sa tagal kong di na update tong mumunti kong blog site. haayy kung baket kase parang nagkakasabay sabay lahat ng bagay, at tila nakikipag unahan at agawan sayo ang oras. for the past three days, may natanggap akong texts telling me my duties about my work.

huwat?!? pano nila nalaman that this work is occupying so much of my time. including my sanity. hehe well medyo exaggerated un. yet half meant.

pero di nga, after new year, akala ko fresh start, kaso were being overwhelmed by the fact that there are more things to expect this coming year...meaning more work load. argghh, ok sori at sadyang tamad lang talaga ako pag pinag uusapan ang additional work. but what im getting at is, i cannot take that im giving too much, but not getting any. gets nyo? sana, pero ako hinde eh.. kase malabo. and after a very long time, i feel the word "pressure" again, na pinilit kong makalimutan cuz i know that if i recognize that word again, ill screw up. glad i didnt.

so un nga, naisip ko tuloy na i cant blame my officemate for feeling resigning kung ganun nga naman ang bubungad sa taon mo. it serves as the triggering point for her to make that huge step in deciding to resign. what a relief for her. on my part, though this is quite a hassle for me, dipa dumarating ung point na un. siguro malapit na rin, nag aantay rin lang ako ng tamang timing to make things work right. of course di naman ung actual na trabaho talaga ang mahirap eh, maraming factors, pero ang pinakaimportante is, ano ba ang matututunan mo sa trabaho mo. technical aspect? natututunan yan, khit outside the office. social skills? if u have friends and family, and willing to meet ppl outside, u can enhance that not just in work area. compensation? other companies can give u better compensation. so ano ba talaga ang pinakaimportante? attitude.

when i sign in for the contract, it doesnt state there that my character is being paid by the company. for some certain extent, ung work load ko lang ang binayaran nila, hindi ung buong pagkatao ko, so i shud be ok in that setup. but if worse comes to worst, i know that i have to leave this cemetery that has been wanting to keep my bones buried under.

09:35 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

All the posts