Feb 25, 2006

say "three things"

when i started in this industry sabe ng trainer nameng proficient in english, pronounce the phrase "three things" para daw maging swabe ang pagsasalita ng english. "thuree thengs" yan ang sambit ng dila ko, at yan din ang gusto kong isambulat sa araw na to, what are the not-so important things na gusto kong bigyan ng pansin.

3 bagay na ayokong maamoy:

- ayoko ng amoy ng bagoong, amoy palang nasisikmuraan na ako. hinde ako nag iinarte kaso kumbaket ba naman hindi maipaliwanag ng siyensa, na sumasaket ang tyan ko pag naamoy ko un. di nga no kidding.

- ayoko ng amoy anghit or putok or body odor. teka sino ba naman ang may gusto sa mga un?? imaginin mo na lang nasa loob ka ng fx, tapos may isang pawis na pawis na katabi kang nanggigitata at nangangamoy dahil nakatapat ang aircon sa kanya. parang gusto mo bang mag faint?!

- ayoko ng amoy ng utot ng may utot. that pollutes my nose. oo na alam kong ang utot ko will pollute ur nose as well.

3 bagay na ayoko sa local movie:

- ayoko na ang magkaibigang babae at lalake ay lageng nagkakagustuhan o kaya ung isa lang ang may gusto dahil ung isa may ibang gusto. come on, lumang kwento na yan. ang mga kwentong pang romantic movie na unreciprocated ang tema ay dina nakakatuwa.

- ayoko na ang bida ay lageng kime, lageng sasaktan muna ng kalaban tapos biglang lalakas. para akong nanonood ng wwf na kung saan si ultimate warrior ay biglang lalakas kuno. hayy wala na bang bago??

- ayoko na ang pulis lageng huli dumating. though in real life its true na mabagal sila magresponde, sana sa pelikula medyo kakaiba naman. or minsan ung mga bida basta pulis, ala "manoy" ang dating, ung tipong pabling na may kayabangan ang role. laos na yan!

3 bagay na ayoko sa politika:

- ayoko ng mga ginagawa nilang batas, padami ng padami kaso wala namang sumusunod. o kaya gumagawa sila ng batas, na sila mismo di makasunod.

- ayoko na puro simula lang ng issue pero wala talagng nasosolve. sino nga ba ang pumatay kay nida blanca? eh ung amerikanong rapists, ano na nangyari dun?? everything is bullshit, puro balita, wala ng kwenta. kumbaga sa cd, kung kelan climax na biglang ayaw mag play, hindi ba ang sarap ibalik sa pinagbilhan??

- ayoko ng palakasan sa gobyerno. kung mapapansin mo kahit sa munisipyo naten basta may kakilala ka, dika na kelangan pang pumila ng pagkahaba-haba, wow pa special ka..nakalimutan na naten na tayo ang gumawa ng proseso, tayo rin ang gumagawa ng palusot sa prosesong un. o kaya basta malakas ka kay mayor, absuwelto ka na. hayy, trapo kase ang kultura.

3 bagay na ayoko sa trabaho:

- ayoko ng may naargrabyado sa trabaho. dpat ang mga tasks pinaghahatian, wlang lamangan. dapat din alam mo kung hanggang saan ka lang, kung di sasamantalahin ka komo di ka makakibo.

- ayoko ng may gaguhan sa trabho. ito ung mga eksenang halos maubos ang kabutihan mo sa katawan dahil may mga kupal, epal, bangkero at mga accountant sa trabaho mo. kupal ung mga inggit sa pwesto mong di makaakyat akyat kaya gustong biwisitin ka. epal ung gustong gawin ang trabaho mo, nagmamagaling wala naman pala. bangkero puro chismis, kwentuhan lang ang alam gawin sa trabaho. at accountant, eto ung mga magaling mandaya sa mga reports. sana lang na wag ng padamihin ang lahi ng mga ito.

- at dahil ayoko ng pulitika, i dont buy political ties with co workers. ang saken is mag trabaho ka, magtatrabaho ako. tama na ang puro plastikang pakikisama. not becuz kasama kita sa trabaho meaning kauri na kita. not because iisa ang pinag trabahuan naten ibig sabihin iisa na rin ang values naten. wag kang ambisyoso.

there u go, yan po ang mga bagay na di masyadong importante but things that i notice everyday, as in everyday of my life. hehehe. di lang naman puro negative ang bagay na pwede kong maalala kapag tatlo eh, marami ding maganda.

3 things na diko kayang i-give up:

- my principles. yes im not rich, nor famous, nor witty. but i have my principles to live by. ito kase ang bagay na pinanghahawakan ko wherein kaya kong ipagmalaki. ito kase ang sandalan ko when the world seems falling apart. dahil eversince dito ko nakita ang tama at ang mali.

- my F's. meaning my family and friends. hindi ako sentimental person, but once i keep a good one, its gonna be for life. sila kase ang nag impluwensya saken at patuloy na bumubuo saken kung sino man ako ngayon.

- ikaw. kase kung di dahil sayo, wlang bumabasa ng blog na to. kung di dahil sayo, wala akong rason para magsulat. kung di dahil sayo di bukas ang mata at isip ko tungkol sa bagay bagay. kung di dahil sayo, di ako magiging masaya. basta ikaw na yun.

10:30 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 12, 2006

savvy

finally, i was able to upload some pics from the last eat out that rhoda and i did. ohh well at least i have some, yet now all pics, hehe other pics are soon to follow. so last last week, we went to heaven and egg that is near bread talk in glorietta.

medium_pic66.2.jpg

the feel of the ambiance is good, pati na rin ung theme nila for having the heavenly wallpapers. at kahit malamig na dahil nakatutok ata sa pwesto namen ung aircon, ayun nakuha pa nameng mag dessert. syempre fudtrip ito.

medium_pic70.jpg

the fud is quite expensive compared to any other restaurant. however, umuwi kameng busog na busog. naalala ko tuloy ung biruan namen na mag aala-incredible hulk ako at tila mapupunit ung shirt ko, hehe.

01:40 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 11, 2006

nincompoop

as part of my additional work and my initiative to provide corrective measure to my agent, ive given a feedback to someone regarding our support thru email, i pointed out the mistakes, ive given corrections to that, the agent acknowledged it, and thats feedback. my wrong move is to add my leader in the mailing list. hehe why? well for as simple as not understanding what feedback means. what is feedback? according to thesaurus.reference.com, feedback is the return of information about the result of a process or activity; an evaluative response.

to my surprise with his reply, he said that i should pull out the concerned agent and provide he necessary feedback. my mind started to freak out and laughing at the same time.....where in the world u get the idea that i have to personally talk to someone to produce feedback? do u know what feedback means? do u know that the email i sent is already considered as "feedback?" whew!

to make it more amusing, he used his emotions instead of brains by saying..."I agee with you on that but it wont hurt if you can give feedback personally......you can do this next time."

wtf?!!? i really dont know what he wanted me to do, whether if ill do that today or next time. i dont even know if he realizes what feedback is and what for...i dont know if i shud tell him when i do this again.

02:10 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 09, 2006

natural high

if i think of the word "poverty" isang bagay ang naiisip ko. ang mga rugby boys, wanko nga kung baket parang sila ang salamin sa kahirapan ngayon...siguro kase sila ang mga batang kaawa awa na nakukuntento sa kakaibang high na dala ng rugby, rugby lang ang bagay na kaya nilang mabili. minsan iniisip ko kung ano ang natural high kapag nakakapag take sila nun. ano kaya ang naiisip nila.

yes ma'am, uve ordered bacon cheeseburger meal, go large drinks and fries.

sa P100 plus na ginagastos ko para sa isang meal, ngayon ko lang naisip na makakabili na pala ako halos 5 bote ng rugby..hmm marame na sana akong batang natulungan maging durog sa bawal na gamot na to. teka, ano ba tong naiisip ko, alangan namang maging accessory pa ko mangunsinte sa knila para mag rugby no. but seriously, ilang araw silang mamamalimos para lang makabuo ng halagang isandaan, makabili ng rugby na tinuturing nilang pagkain at tubig, na paghahatian pa ng sampung batang kalye...ang hirap na talaga ng buhay ngayon. pero sa nkita kong yaon, mas mahirap pala ang buhay nila ngayon. ang lake pala ng mararating ng isang daan kung pangangailangan ng ibang tao ang magiging basehan.

naalala ko tuloy ung nangyaring gulo sa ultra nang magkaroon ng stampede sa pera o bayong. meron akong napanood na ininterview na nagdadahilan pa, kesyo ung side nila di daw na prioritize kaya nag unahan sila sa pagpasok, without knowing ung nangyayari sa mga nasa harap sa pila. baket nga ba dudumugin ang show na un kung di sila mag ooffer ng malaking papremyo sa mga pupunta. kung sabagay malake ata un, kung tutuusin manonood ka lang, tapos mabubunot ang pangalan mo panalo ka na agad ng P20,000. ilang burger meal ang mabubuo ko dun, ilang kahon ng rugby ang magiging supply nun para sa mga batang kalye.

ilang buhay din ung nawala dahil dun.

00:05 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 02, 2006

cold..cold..cold

"do u feel like ur life is difficult right now? use ur instincts to find the right path. know in ur heart what u want. ull be ok."

my instincts are not working today as i have a bad day due to my colds, im actually shivering right now. it feels like my stringy mucus has gotten into my brain. i know ure grossing out. yet in this environment, dudugo muna ang ilong mo bago maniwalang may saket ka. pathetic.

on the positive note, its glad that somehow im taking one step higher, planning about whats gonna happen in the future. its a bit scary that im about to gamble in this life. win or lose, yet its about taking it and not afraid being a part of it. as i take that leap, everyday im wondring....

crossing my finger. grabbing a tissue. sneeze.

10:15 Posted in BLôggÅg | Comments (3)

All the posts