Jan 28, 2007
prison break
so here i am already doing a marathon of dvd watching, catching up my time as i felt that i wanna finish the complete first season of it...haha i already got the season2 up to episode 10, and i know i need a lot of popcorn and chips and a pillow to get started. lalabanan ko ang antok para sa palabas na to, hahah!
and season 2, here i come......heheh!
15:20 Posted in BLôggÅg | Comments (3)
Jan 24, 2007
dear diary
masama ata ang gising ko ngayon. matagal tagal na rin kase na mahaba ang tulog ko, meaning matagal na since the last time that i become cranky. kaya siguro eto sinusumpong na naman ako. i felt devastated for whatever reason lately. siguro masyado ng personal para ikwento ko pa sayo, pero ang hirap namang itago.
minsan, gusto kong pagtakhan ung mga bagay sa paligid ko eh. una nakakapagod na ang pagtatrabaho, ung fact na kelangan mong magbanat ng buto para magkapera. at kapag may pera ka na, sasabayan mo ng walang pakundangang pag gastos, hehe diba ang labo. nag iipon ka para gumastos, tapos magrreklamo sa trabaho dahil tinatamad na. siguro sadyang tamad lang ako, pero diko kase ma gets hanggang ngayon ung essence.
may mga times na bigla na lang umaatake ang outburst saken, ung pakiramdam na naiinis ako sa mga bagay that i expected much from. eto siguro ung mga opportunity na kung saan pumapasok ang sandamakmak na frustration ko sa buhay. sa dami kase, masyado na ring nakakalunod. pero ang mas higit na nakakaasar, ay ang sangkaterbang expectations ng ibang tao sayo,...nakakasakal...ano ako achay?! heheh.
dami kong reklamo, oo na reklamador ako. di bale inuman na lang tayo mamaya. sige mare sa susunod ulit.
05:34 Posted in BLôggÅg | Comments (2)
Jan 17, 2007
DOA
pag nakikita ko ang acronym na DOA, naassociate ko to while im still with kodak, eh pano ba naman naaalala ko ang "dead on arrival" process namen hehe, and that was years ago.
matagal tagal na rin since the last time i watch a movie, even at home diko na rin naasikaso. malaking factor dun is kulang sa time, hep hep, impossible nga pa lang makulangan ang time, dahil very precise ito. siguro kulang ang availability ko. yun na nga siguro.

so kanina when i get a chance, i was able to watch Dead or Alive, the movie, its a game na pinagbibidahan ni Kasumi. im not sure if producers are already running out of bright ideas sa pagpapalabas ng movie kaya pati game, eh pinatulan na.

its actually like charlie's angel, na kung saan ang mga binibining ito ay sobrang skilled, with extra magnificent power. woohh bahala na kayo kung ano man yun. so try watching this movie kung naghahanap ka ng sakit ng katawan, hehe.

guys, would u please stop drooling. Ü laway nyo tumutulo na.
02:05 Posted in BLôggÅg | Comments (2)
Jan 06, 2007
russian roulette
nawawala na naman ako sa sarili. minsan may mga bagay akong iniisip and inaalala ko kung totoo ba tong nangyayaring to. parang gusto kong mag rewind back sa panahong yun para masigurong nagkatotoo nga yon.
in denial ang kakarampot kong kokote kagabe. kundi ba naman medyo pagod na kaseng umuwi, isama na rin ang walang humpay na pagkulo ng tyan sa gutom. ganto kase nangyari, habang nasa byahe at kasalukuyan akong nag uubos ng "brain cells" tumigil ang sinasakyan kong jeep at sa loob ng 10 segundo, bigla akong nawala sa sarili, bigla kong tinanong ang sarili ko kung nasaan ako at anong ginagawa ko sa jeep na yaon.
at para bang may biglang gumising saken, at naalala ko kung saan ako tutungo. panandalian akong natakot. natakot na baka isa sa mga araw na to ay may mga bagay akong makalimutan at tuluyan ng di maalala pa. ang problema, hinde ko mapipili ang mga "memories" na makakalimutan ko. it will happen randomly. tumindig na naman ang balahibo ko.
iniisip ko kung may kinalaman ang komersyal na "bwal ang pork...." kaya nangyari saken yun or sadyang occupied lang ako kaya medyo nahihibang. pero pinipilit kong balansihin ang takot kong yun at sabay tanong sa sarili ko kung ano ba ang higit na nakakatakot. ang tuluyang makalimot ng bagay na talagang nangyari na o ang mag isip ng bagay na hinde naman talaga nangyari???
pag may mga bagay akong di maalala sa nakaraan ko, gusto kong isipin kung nangyari ba talaga lahat un or baka guni guni ko lang. pag nagkukuwento saken ang mga taong dating nag alaga nung kame'y musmos pa, pinipilit hagilapin ng isip ko kung totoo bang pinag gagawa ko un. tapos ngingiti na lang ako to get away from them.
pero baket ba big deal saken to? siguro kase isipin ko pa lang na makakalimot ako, para bang napaka miserable na. abah mahirap atang mag isip ng di mo alam kung ano ang iisipin mo. pero mas lalo akong ntakot para sa mga taong nagmamahal saken, kase mahirap mag explain ng isang bagay sa taong walang naaalala. magiging para silang nag-iimbento ng istorya.
and now i came to the conclusion, that anything can happen. maaring mamaya lang hinde na ako ung dating ako. maaring mamaya lang makalimutan ko na ang lahat. kung mangyayari man un, i can only hope for one thing, whatever my mind forgets, my heart will still remember.
17:30 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Jan 02, 2007
happy new year
this is my first entry for 2007, and as much as i wanted to compose something sensible, i just dont know how, heheh!
if ure wondring how our family celebrated new year's eve, believe me, ull be more excited to know why "polgoso" is the name of marimar's pet. its so typical that we didn't even notice twas already past midnight. no more traditional kiddos jumping around with coins on their pockets, no more oranges or any fruits on the table, no more firecrackers and no more visitors. with my statement above, its not that im whining, its realizing the traditions that we have given up.

just to wade off this boredom, i get myself fascinated playing ps with fight night round 2....duh im dying to see version 3!!! btw, i heard pacquiao is a lot better in round 3. knock him down kid! its given that i played the whole night, waiting for midnight to come, yet missed it, heheh, yeah sounds crazy, but blame it to this game and tekken 5. ;)
looking for something grisly this weekend???? get a copy of this movie...if u have seen the movie "wrong turn" its gonna be like this.
what about u, how did u spend ur new year?
11:20 Posted in BLôggÅg | Comments (0)



