Feb 24, 2007

harsh

when i feel like snapping at something due to total disappointment, not necesarily over someone, i cant help but express it, and thats when ppl are going crazy about how i behave when they are around. gusto ko ring magtaka kung baket komo prangka akong magsalita over something, ppl see me bitchy, and it scares me considering na di ko pa naman nilalabas ung pagiging bitchy ko sa knila nor i remember giving them a dirty look. promise.

dahil ba higit ang personalidad ko sa standard ng ibang tao, pagdating sa paghusga nila sa kung sino ang mabaet sa hinde, eh nangangahulugan na masama akong tao? if im being frank about something, does it equates to being a total bitch? what if im just being honest and just totally abhor hipocrisy?? baket ba until now, may mga taong hinde makatanggap sa mga babaeng malalakas ang personality. quote and unquote. i dont even know this term pero nakuha ko lang when i had a conversation with someone before. goes something like this....

man: lam mo kaw ung babaeng ang lakas ng personality. ung tipong, pwedeng maging friend pero theres something in u na diko maexplain....its like parang when i look at u, parang im looking at a facade or something.

daps: ganon, so what do u mean, plastic ako or poker face? tsaka pano nasusukat ung level of personality, sa lakas ng boses or sa bagal ng pagsasalita?

man: ewan, parang any moment, magagalit ka over something.

daps: ah so ngayon, hot headed naman ang ibig sabihin ng malakas na personality. ano ba talaga ibig sabihin nun.

man: basta...

so, ang ending..diko sya totally nagets, though he initiated a conversation, something he cannot even define. but i guess the bottomline is, its ok to take criticism constructively kung naiintindihan mo ung message. if not, your on ur own, wala naman sigurong magiging problema kung magkakaiba tayo ng personalidad, we can still coexist in this world.

07:50 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 18, 2007

kapag nagsabog ng biyaya ang diyos

para sa mga adik sa prison break, pihadong magsasaya na naman kayo dahil may natuklasan akong website kung saan ka makakapanood ng season 2, episodes 11-16. yep eto ngat sinisimulan ko na hahah.

just visit http://www.peekvid.com, andito ung mga tv series, movies, cartoons, anime and comedy. (anong category ung comedy? hinde ko rin alam) hehehe.

at ang malupit na nakita kong episode ay ang episode 16, dahil even sa recap from fox website ay hinde pa ito kasali. oh diba, ang saya buti na lang may internet :p

11:25 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 14, 2007

libangan espesyal

medium_ktambay.jpgive been looking for this book and twas only now that i get a copy of "kwentong tambay" by nicanor david, a.k.a Batjay in blogworld. after reading some entries of it, masasabe ko talagang tunay nga syang sira ulong ofw, heheh.

he's comfortable in expressing his thoughts in tagalog, which is very filipino of him and i think thats very evident sa mga articles nya. he likes filipino food and for some of his entries masasabe kong hinahanap nya ang pag uwi dito sa pinas. sense of humor ata ang nanananalaytay sa kanyang dugo at pansin ko di sya ganun kahilig sa sex topics hahha. but this is a good one, kaya nga disclaimer pa lang eh patok na, goes like this: some of the entries ay pwedeng makasagasa ng sensibility ng mga di ganun katatalinong readers...... (make sense right?!)

so other than reading this, isa ko pang gustong pagkaabalahan ay ang maglabas ng sama ng loob. minsan kase masarap gawin to hinde dahil trip trip lang, pero minsan u have to let it out for health purposes diba. ang lagay eh, naargrabyado ka na nga, eh magkakasaket ka pa sa puso sa sama ng loob diba, heheh. badtrip lang kase sa pabago bagong schedule ko and i find it very inhumane..kundi ba naman ilagay ako sa pang alas tres ng madaling araw...as in HELL!! este HELLOOOO...ang punto ko lang naman is una, wala akong kotse meaning kelangan kong makibagay sa oras ng pacocommute. pangalawa, babae ako at babae rin ang ibang binigyan ng gantong sked. at pangatlo, naiinis ako dahil naiipit ako sa situation na para bang wala akong magawa kundi pumasok ng maaga and that is a major hassle dahil mauubos ang oras ko sa walang kapararakan, thats bullsyett. gets nyo?

libangan ko rin ang magplano ahead of time, siguro parte ito ng growing up hehe. sabe ng iba, mabilis daw magprocess ang utak ng mga taong mabilis mag isip, gusto kong paniwalaan na totoo nga iyon, at maaring bola lang din. but i have a battle plan...gusto kong mag-ipon this year. promise gusto ko talaga! just knowing na mahirap kitain ang pera and it will be a waste of everything kung gagastusin ko lang ang ipon sa wala. sana lang maovercome ko ang paggastos ng wala sa lugar para naman maisakatuparan ko ang aking mga pangarap, hehehhe.

isa pang paborito kong libangan ay pagtawanan ang mga pulitiko, artista or boksingerong kandidato sa panahon ng eleksyon, pare-pareho lang kase silang trapo. isama mo na ung mga commercial na khit mukha silang tanga sa kakasayaw eh ok lang para sa knila makuha lang ang boto ng mga tao. at para kay pacman na diko malaman kung anong pumasok sa isip nya at tatakbong kongresman, isa lang masasabe ko: para sayo ang kamaong ito, heheh! sana madagdagan ng qualifications standard sa paghahanap ng susunod na government officials, dapat they pass a lie-detector test, dapat ding ideclare nila ng tama ang kanilang wealth at higit sa lahat dapat they have served ppl through different organizations before they file their certificate of candidacies. sana rin matuto na ang lahat bumoto ng tama, pagod na kameng manood ng "larong tennis" sa pulitika eh.

siguro un na lang muna for now, magsisimula na akong magkalat este magtrabaho.

00:55 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Feb 01, 2007

Adversity

masamang senyales to, nangangati na naman ang mga palad ko...tila mapapagastos ako ng di oras. one of my weaknesses is managing my finances, alam mo ung mga time na sobrang nagtitipid ka, tapos mauuwi sa walang kakwenta-kwentang pag gastos and pooofff, ala na namang pera..mamumuti ang mata kakaantay ng sweldoooo!!!! thank god may aasahan pa pala ako kahit papano.

yesterday my sister and i went away, kaya nga ang tawag ko sa ameng dalawa ay mga roamers. ang mga taong walang tunay na pakay kapag maglalakwatsa, in other words mauubos ang araw na nagtatapon kame ng pera..wow, para na rin pala kameng rich. so ayun nga naglakwatsa kame, kumain, namili ng kung ano ano at mga dvds na di ko naman talaga napapanood. gusto ko ng paluin ang kamay ko para wag ng bumili ng bagay na di ko kelangan...alam mo un.

so i thought maybe stressed ako, pero diko pa matukoy kung stress saan. so we went to bookstore, ilang araw ko na ring hinahanap ang specific na book na to (itatago na lang naten sa pangalang "tata") kase nang una ko tong marinig, naintriga ako. i went to 3 different bookstores at di ko yun makita, and finally nakita ko sa national bookstore. gleng, kase meron silang kopya. at mas lalong ok dahil may isang libro ang walang balot, meaning i can scan through the pages. hehhe, feeling ko may naisahan akong tao sa pagkakataong yun. however while im reading some of it, i had some sort of disappointment. i felt that the book is a bit overrated, though its too early to tell dahil hindi ko naman talaga nabasa ung entire book. at magiging makapal ang face ko kung babasahin ko nga lahat un hahah. so ang ending, i did not not buy that book. sa puntong un, dun lang nagkasense ang hindi ko pagbili. ayaw ko kaseng bumili ng isang libro dahil ang majority ng isang grupo ay merong kopya nito. dahil kung bibili ako ng libro, dapat ung may sense basahin, ung nakakaaliw at hindi mabigat sa loob ko ung pagbili. gets mo yun?

but darn! ~~ napagastos naman ako sa ibang bagay. wahhhh!!!

segue muna, pag napapag usapan ung mga diseases na kinamatay ni ganto, ni kuwan like saket sa puso, cancer sa liver at kung ano ano pa, i felt na medyo manhid na ako sa bagay na yun. siguro isang factor dun is hindi ako takot mamatay. hindi takot ang katawan kong magkadurog durog pag nasagasaan sa kalye, hindi din ako takot na unti unting maging abo pag sinunog ako ng buhay, at hindi rin ako takot mabasagan ng bungo kung malaglag ako sa building. hehe ok i know nandidiri ka na sa pagkakadescribe ko. but what im saying is physically im not afraid to die. kung meron man akong takot is to leave my family unprepared for my death. or maiwanan ko sila ng utang dahil sa mahal ng paospital or pagpapalibing. at sa dami ng naglilitawang saket ngayon, hindi na ako magtataka pa if in the next few years, magkaroon na ng cancer sa kilay or tumor sa pusod...dahil tulad nga ng commercial ng "globe", sa mundong ito lahat ay posible. (uuy kinakanta mo ano!)

01:55 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

All the posts