Mar 01, 2008
mahal kong anak
Mahal kong anak,
Salamat sa telegrama mong pinadala sa amin ng tatay mo. Mabuti naman ang kalagayan namin dito. Kamusta naman ang kurso mong Engineering dyan sa Maynila? Tungkol nga pala sa perang ipapadala namen sayo, matatanggap mo ang kinse mil para sa project nyong "San Mig Light," kamusta na iyon napailaw nyo na ba? Nagbenta na rin kami ng lupain naten sa kabilang ibayo nung nakaraang buwan dahil sa huminge ka ng instrumento nyong I-pod ba kamo na kakailanganin mo sa iyong pag-aaral.
Hinde ka pa namin madadalaw sa susunod na taon dahil sa binabawi pa namin ng tatay mo ang nabentang babuyan nuong huminge ka ng perang pang case study mo sa proyektong ano nga ulet yun...ung Nokia N70?
Pagbutihan mo ang pag aaral dyan at sana naman makagradweyt ka ng matiwasay. Talaga bang 8 taon ang kursong Engineering? Ingatan mo ang iyong sarili at wag kang magpapakagutom ha baka napapadalas ang paglagi mo sa tambayan nyong Victoria Court ng inyong mga kaeskwela.
Hayaan mo at ipapanalangin namen na ikaw ay maging ligtas dyan. Kalakip nito ang sampung libo para sa assignment mong PSP. Mag ingat ka dyan, mahal ka namin ng tatay mo.
Nagmamahal,
Nanay at Tatay
08:37 Posted in Pång-cHêesY | Comments (0)




Post a comment