Oct 31, 2008
two cents
it has been routinary for me that before going to work, i get to watch the news cuz its mind-stimulating well except for the political news, im nearly getting sick of it. its like a roller coaster that goes out of rail. its not fascinating to hear how 3B Pesos were distributed to selected government officials instead of spending it to benefit our agriculture sectors. im shaking my head after hearing the news about the retired general carrying overbudget euros...if i were to create a book, should i say an expose, id love to have this as the title: Politics, the philippine mockery.
minsan i wonder if my reality is same with the others'. iniisip ko if my reality equates the normal reality or at least close to it...(as if may abnormal reality) what i mean is since ppl have different perspectives and depth or reasoning, what is the boundary of ur reality to my reality? if i say that 1 + 1 is 3, thats my reality..how many or who will even accept my reality? parang sa pakikipag relasyon yan, we know the good and bad stuff but we always find a reason for things, we create our own rules and we even create our own excuses for that matter, we create our own reality..do u ever feel that others are out of sync with u, or vice versa? someone questioned me why i always ask the question why, and i go, well i always find reasons in everything, i seek it because that serves as ur purpose. ur objective is enough reason for me to know that i am still in a real world and not just dreaming nor fantasizing. of course i wont ask u to tell me ur reason why u call me today and the next morning u wont. i will not go to the point of begging for answers. i enjoy seeking it on my own. its a puzzle that is so challenging to discover.
so let me ask u this...what is ur reality? as for me, reality is when u are not afraid to do something because there are triggering factors around. u eat because ur hungry, u cry because ur hurt, u smile because ur happy and u love because u feel it. at least in that sense, i know that there shud be reasons for everything...mahina saken ang konsepto ng katagang "wala lang" --- kase para saken, kung walang dahilan, walang halaga.
00:54 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Oct 23, 2008
Procrastination
I am compressing lots of things within a month, this is the pivotal point. finally i come up with a schedule for my certification, its final already and my boss have been waiting for this for the longest time, hehe well im a bit delaying it for the past months, thinking of any possible excuses i could think of. but i ran out of it. gotta push myself more, i have to focus, really. lots of things are preventing me in doing so. ohh by the way im done with Season 5 of Project Runway. im done with my movie marathon: Death race, Mummy, Righteous Kill and Baby Mama. (Just when i talk about distractions....)
I have been coughing like a dawg, all day and all night. I missed 2 days of work within a week, (imagine that...) I dont really feel going back but I need to. I have been wanting to get "something" before this year ends, so I gotta work my ass hard.
somebody asked if i miss the thought of being with "someone" (you really enjoy quoting the words eh?!) yes i do...i just cant get whoever just for the heck of having. my idealism is consuming much of my years, others would see it as a waste of time. i see it as standing by, testing the water before plunging in. y'knw what i mean right?!?
can someone tell me how to stop these distractions?
09:43 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Oct 08, 2008
Dokyu pyesta
"Batang Kalabaw" by Jay Taruc. Sabe nila na ang pinakahuling bahagi ang mas sariwa sa isip mo, thats the opposite of what happened. ito ang una sa mga prinisentang dokyumentaryo at ito na rin siguro ang pinakatumimo saken. ito ay tungkol sa mga batang may edad na 6 to 12 taong gulang kung saan pilit na pinatatanda ang musmos na kaisipan at pilit na binabanat ang murang katawan, makapag buhat lamang ng mga 2 por 3 na kahoy, na may habang 10-12 talampakan, binibitbit sa kanilang balikat, sa loob ng 2-3 oras pababa ng kabundukan. kung iisipin mo na kung katawan ng matanda siguro un, malamang sumuko na makalipas ang kalahating oras, pero ang 8 bubot na yun, iba ang driving motivation. ginagawa nila un, para makakuha ng P6/kahoy. oo, katumbas lang ng sopdrinks na binibili mo sa tindahan. binabagtas nila ang maputik (dahil maghapong nag uulan) na daan na hinde inaalintana bagkus pinoprotektahan ang mga bitbit na kahoy. naawa ako sa 6-years old na bagets na matapos magpagod, hinde nabayaran dahil ang kahoy na binaba nya ay tinuring na "reject" khit pa nagpakapagod ang bata. ito ay sumasalamin sa maagang pagbabanat ng buto ng mga bata. tapos maiisip ko baket sila ang sisipag, ang dami kong kakilala na matatanda na kung tutuusin, handa na ang mga katawan sa pagpapakapagod at pagpapahirap, pero mas pinili pang maging tambay, umasa sa magulang, mga taong nilamon ng bisyo. ako hinde ko kaya ung mga ginagawa ng batang un, sa pagkakaalala ko, naglalaro ako sa edad na 6 na taon, pero who knows na sa isip din nila, naglalaro lang din sila. gusto kong tanungin kung baket hinahayaan ng magulang ang mga musmos para magtrabaho.....
"Biyaheng Sikmura" by Kara David. Ahhh, dito ako naaliw dahil sumasalamin ito sa pagiging madiskarteng "pinoy." Ito ay tungkol sa mga feeding programs, kesehodang programa ng gubyerno, mga religious groups, eskwelahan or mga charitable institutions. Ang mga feeding programs ay isang uri ng proyekto na panandaliang pinantutugon sa problema ng malawakang pagkagutom ng mga pilipino. ang galing ng diskarteng ginamit nila para maiprisinta sa nakakatawang paraan ang dokyu na to. kumuha sila ng mga taong tumatangkilik sa mga feeding programs, ang nakakatawa nun, kakakaen palang ni "Tagpi" tumatakbo na para sa susunod na pila ng feeding program, hehhe hinde kaya gluttony na un?! tama kame ng paniniwala ni kara, na mas magandang turuan mo silang mangisda kesa bigyan mo ng panandaliang isda, sa bagay na to, ang mga feeding programs ay nakakatulong sa mga sikmura, pero sa pangmalawakang kahirapan ng bansa, wala etong apekto.
"Boses Upos" by Howie Severino. sitsiritsit, alibangbang....yan ang naaalala ko sa boses robotic ng lalakeng gumagamit ng special na device para lamang makapagsalita. dahil sa labis na paninigarilyo, naoperahan sya at tuluyan ng hinde nakapagsalita. nawala na ang cancer, nawala na rin ang larynx nya. ngayon isa na syang tagapagsalita sa mga pagtitipon, para maibahagi ang naging epekto sa kanya ng sigarilyo. talaga nga bang ang pinas ay isa sa mga pinakamausok na bansa dahil sa lakas ng konsumo ng paninigarilyo? mahina ba ang naging kampanya ng gubyerno sa pagpapaalala na ang sigarilyo ay walang dulot na mabuti sa katawan ng tao. natawa ako sa isang segment na sinabe ni howie, "sigarilyo kayo dyan, eto nakakabaog daw oh." dati akong tumikim ng yosi, dahil sa buyo ng barkada, tinuring ko yun bilang "learning phase" dahil natutunan kong piliin ang wag manigarilyo. kung meron ka namang choice, baket mo pipiliin ang mag yosi?
hinde ko na iisa-isahin dito ang mga iba pang dokyumentaryo, para mabigyan kayo ng pagkakataong silipin ang cinema 5 sa gateway, at personal nyong masaksihan ang kalinangan sa pamamahayag ng mga nangyayari sa paligid naten. habang nanonood ako nito, iniisip ko na maswerte ako dahil hinde ko pinagdadaanan ung mga nafeature duon, narealize ko na mas dapat bigyan ko ng lalim ang pinag gagawa ko sa mundo, kumpara sa mga nakita ko dun parang wala pa sa kalingkingan eh, nakakahiya tuloy. masrap maexpose sa mga ganitong palabas kaya i commend GMA-7 for allowing people to see these things. panoorin nyo and that should hit you too.
02:09 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Oct 02, 2008
libre lang sumilip

im amazed sa mga documentary shows ng gma7, iba kase ang atake nila sa subject. may lalim ika nga, so the time na this was advertised, sabe ko libre man or may bayad pupunta ako dito, kase alam kong may mapapala ako. btw, Admission is FREE, so pwede daw magsama ng buong pamilya, yahoo! hehehe. ito ung schedule para sa mga interesadong pumunta:
OCTOBER 4 (SATURDAY):
SCREENING 1 - 11:00 AM to 1:00 PM
"Batang Kalabaw" by Jay Taruc
"Biyaheng Sikmura" by Kara David
"Boses Upos" by Howie Severino
"Iskul Ko No. 1" by Sandra Aguinaldo
SCREENING 2 - 2:00 PM to 4:00 PM
"Katay Kabayo" by Sandra Aguinaldo
"Alaga" by Kara David
"Batang Langoy" by Jay Taruc
"Si Gob at ang mga Bugador" by Howie Severino
SCREENING 3 - 5:00 PM to 7:00 PM
(Repeat screening 1 Line-up)
Docu-Making Contest Winner
OPEN FORUM WITH HOSTS/ AWARDING OF DOCU-MAKING CONTEST WINNER - 7:00 PM to 8:00 PM
Note: same schedule sa October 11. see u guys! Ü
22:48 Posted in BLôggÅg | Comments (0)



