Jan 05, 2009

I do

ring.jpg

 

Pag pumupunta ako ng kasalan, ang sarap makita na merong dalawang tao ang nangangako sa harap ng altar na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, kakaiba ang “high” na idinudulot ng pagsasabe ng “I do”….pero hanggang saan ang ganda nito?

 

Bagong taon. Bumisita samen ang mga kamag anak, tradisyon na rin to taon-taon na pagsaluhan ang masarap na biyaya ng hapag kainan. Sari-saring kwentuhan, andyan ang usapang gadgets ng tito monching at ni fj, andyan din ang bonding time ng mga dalaginding na magpipinsan pati na rin ang paulit ulit na pagbabaliktanaw ng mommy at ng lolo. But what makes my new year interesting, is kapag dumadating na ang tita tina. Special kase ang case nila, dahil sa pamilya ng mommy, bukod sa sila ang pamilyang walang sariling tahanan at nakatira lamang sa puder ng kamag anak ng lalake, eh ang tita ang nakaexperience ng masalimuot na buhay may asawa. Saksi ang lahat sa mga kasinungalingan magmula pa lang ng pagpapakasal, pambabae, mga pangakong hindi tinupad ng tito boy at walang habas na pangmamanipula sa sarili nyang pamilya. Sabagay magmula noon pa man, hinde ko na rin sya feel maging tiyuhin, theres something about him that we all find mysterious. Pero sabe nga nila, hinde mo to malalaman, unless makasama mo sa bahay ang tao ---- yun ang nangyari sa tita ko, ang pagsasabe ng “I Do” ay walang kahulugan.

 

Sa puntong yun, ang simpatya ng pamilya ay nasa kanya. Bukod sa malaki ang pinayat ng pisikal nyang katawan dahil sa kunsomisyon, nagbabago na rin ang pag iisip nyang rational dahil sa epekto ng kawalang hiyaan ng asawa nya. Ang asawa nyang nagbibintang sa kanya ng pangangaliwa, ang asawang walang sariling trabaho at umaasa lang sa bigay ng kapatid, ang asawang kumakabit sa isa ring may asawa na at kung ano ano pang masasamang gawain. Higit akong naawa sa mga pinsang kong musmos pa lang, dahil nahahayag sa kanila ang mga hinde magandang asal. Magbigay man kame ng sangkatutak na payo, nasa desisyon pa rin un ng tita ko, pero kung ako sa kanya, ililigtas ko ang mga anak ko sa lugmok na tahanan na un, kung kaya kong magligtas ng dalawang espiritu (2 kids) gagawin ko sa halip na magtiis sa pait ng maling lalake.

 

Dahil sa pangyayaring to, gusto kong isipin kung saan ang malaking pagkukulang. Ang mga gantong pangyayari ba ay bunga ng maling pagpili o maling dahilan ng pag aasawa???

 

Sa panahon na to base sa statistics, dumadami na ang mga kabataan na mas pipiliing mag asawa sa edad na early 30s kumpara sa noong unang panahon na 16-18 ay may asawa na. Ang pag aasawa sa kanila ay masusing proseso at hinde isang bagay na dikta lamang ng lipunan. Sa bagay na to, naniniwala ako na ang pag aasawa ay sumasaklaw sa masusing pag pili at matibay na pagdedesisyon na mahalin ang asawa at pamilya mo. Tayo ang nagbibigay ng kahulugan sa bisa ng kasal, at hinde ang isang piraso ng papel --- dahil ang tunay na ganda ng pagpapamilya ay pinaghihirapan, pinagbubuti at karespe-respeto.

20:37 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Post a comment