Jan 30, 2009
tenacious
ive been participating consistently with this laziness of mine that i havent been updating this blog for three weeks. i hafta say that lot of things happen, well, its been a hell of a week, the turnaround drives me crazy. regarding goodie stuff, i must that this might be my year, i started with the right set of feet, ppl are beginning to see the things ive done from the past and masarap pala ung ganung feeling...just imagine the time na may nakuha kang pera sa pantalon mo, it feels great without you expecting for anything. and because of that, now everyone is calling me "GC" or gift certificate collector --- should i smile or smirk?? i dont know.
it might be for the Nth time that you heard me, or read this from me, that i really dont get it when ppl dont get you. if u want to be alone, meaning u dont want anybody surrounding u. its irritating! any form of presence is irritating most especially when you really need that "time" --- u know what i mean? why they can be sensitive enough that u need to have that "private" moment of yours. they would even stipulate that maybe they have done things that elicit your irritability...the hardest part is you cannot tell to their faces that you dont want them around -- for them its unhuman. but who cares? (devil in me, enabled) alright, i havent gotten to a point that i embarass somebody cause of the tenacity he had shown me, but im getting close to that, and its a terrible feeling when your trying to dish that person and he doesnt even realize it, the burden is on my shoulder now. sometimes i wanna ignore everybody as if im the only one in this world...how i wish i can be simon fuller in being frank and truthful about everything, but not taking it against him.
ohh well, American Idol season 8 has began and i like the balance of the judges when they added kara dioguardi on their lineup. Ü gotta watch this season.
06:09 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Jan 11, 2009
irritation is back
meeting new people is exciting cuz u get to learn new things from them, how they react, what makes them tick etc, at this point im not very happy with whats happening as im getting irritated by the presence of someone. first of we dont have any responsibility with each other just because were batchmates, and just because someone had already left, eh ipapasa nya na ang pang aasar nya saken. im telling u he is getting into my nerves at this point. (yada, yada, yada)
at first him being observer is a bit funny, cuz he can spoof other people's mannerisms but then i realize how he invites us to make someone be the laughing stock. am i irritated because he is actually doing that towards me? i dunno, or maybe i just hate his guts because maybe iniisip nya that for as long as he thinks he is funny, he can just say anything about everything na hinde man lang pumepreno. im irritated pag nakekelam sya sa mga ginagawa ko (baka inggit) and most especially when he is saying stuff na may ibang taong kaharap, (ahh adelantado) ang siste kase is, not because palage tayong magkasama eh meaning close na tayo BY DEFAULT. i still need that personal space and that im allowing few people na pwedeng mang asar saken, unfortunately you are not on that list. sometimes im thinking if he sees me as competitor since dalawa na lang kameng naiiwan thats why he is trying to piss me off to the highest level. or maybe, asar lang ako sa knya kaya ako napaparanoid. hahaha!
with that being said, i think i will give him "patikim" if he can get into my nerves, sure i can get into his balls..ermm teka parang iba ata ung dating nun ah, hahah. pwede ko rin syang deadmahin for the rest of the support time, hahah ang sama no?! i really hate dealing with this type of people, ung mga feeling friend ng bayan, but is actually raising ur irritation level. hay wish ko lang madeploy na kame sa magkaibang team hahah!
x's: kala mo siguro diko nahahalata, ang importante lang sayo eh ang makaungos sa iba, wala kang pakelam sa iba, kaya tigilan mo na ang pagpapanggap na gentleman ka dahil ang totoo, pakitang tao mo lang un.
21:20 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Jan 07, 2009
alma mater
sa tuwing maaalala ko ang high school days ko parang bang may kumikiliti sa king pwet, mixed emotion ika nga, pinaghalong natatawa ako at the same time gusto kong makalimot. naaalala ko kung paanong trip na trip nila ang papilahin ang mga estudyante sa quadrangle habang nasa ilalim ng mainit na arawan. ang mga pobreng late ay sinasaraduhan ng gate at kailangan isama ang mgaulang para magpaliwanag sa principal; ang mga estudyante ay sumasali sa ibat ibat sports, school programs or intramurals para makaiwas sa klase. ang mga professor ay nananakot by saying "akala nyo kaya nyo ko ah" or mga teacher na nenenegosyo ang mga projects sa home economics khit wala naman talagang pakinabang un samen; ang mga school songs na may high falluting words na kung tatanungin mo kame kung ano ang ibig sabihin, hinde namen mapapaliwanag; pinagawa rin kame ng mga artikulo para sa campus gazette, kapag nagkakaron ako ng pagkakataong basahin ito, tila gusto kong lukutin, pero hinde ko tinatapon to dahil kinokonsidera ko itong antique. nung highschool din natutuong maglandi, mga buyo ng barkadang mag inuman, tuksuhan or love letters galing sa mga krashes, at meron ding mangilan ngilan na galing ke pareng anonymous. nabasa ko rin kamakailan lang ang yearbook na naglalaman ng "class prophesy" --- malayong malayo sa katotohan, dahil 75% ng buong batch ay pamilyado at walang trabaho. kaya ang tawag ko ngayon dito ay CLASS FALLACY.
22:34 Posted in BLôggÅg | Comments (0)
Jan 05, 2009
I do

Pag pumupunta ako ng kasalan, ang sarap makita na merong dalawang tao ang nangangako sa harap ng altar na sila ay magsasama sa hirap at ginhawa, kakaiba ang “high” na idinudulot ng pagsasabe ng “I do”….pero hanggang saan ang ganda nito?
Bagong taon. Bumisita samen ang mga kamag anak, tradisyon na rin to taon-taon na pagsaluhan ang masarap na biyaya ng hapag kainan. Sari-saring kwentuhan, andyan ang usapang gadgets ng tito monching at ni fj, andyan din ang bonding time ng mga dalaginding na magpipinsan pati na rin ang paulit ulit na pagbabaliktanaw ng mommy at ng lolo. But what makes my new year interesting, is kapag dumadating na ang tita tina. Special kase ang case nila, dahil sa pamilya ng mommy, bukod sa sila ang pamilyang walang sariling tahanan at nakatira lamang sa puder ng kamag anak ng lalake, eh ang tita ang nakaexperience ng masalimuot na buhay may asawa. Saksi ang lahat sa mga kasinungalingan magmula pa lang ng pagpapakasal, pambabae, mga pangakong hindi tinupad ng tito boy at walang habas na pangmamanipula sa sarili nyang pamilya. Sabagay magmula noon pa man, hinde ko na rin sya feel maging tiyuhin, theres something about him that we all find mysterious. Pero sabe nga nila, hinde mo to malalaman, unless makasama mo sa bahay ang tao ---- yun ang nangyari sa tita ko, ang pagsasabe ng “I Do” ay walang kahulugan.
Sa puntong yun, ang simpatya ng pamilya ay nasa kanya. Bukod sa malaki ang pinayat ng pisikal nyang katawan dahil sa kunsomisyon, nagbabago na rin ang pag iisip nyang rational dahil sa epekto ng kawalang hiyaan ng asawa nya. Ang asawa nyang nagbibintang sa kanya ng pangangaliwa, ang asawang walang sariling trabaho at umaasa lang sa bigay ng kapatid, ang asawang kumakabit sa isa ring may asawa na at kung ano ano pang masasamang gawain. Higit akong naawa sa mga pinsang kong musmos pa lang, dahil nahahayag sa kanila ang mga hinde magandang asal. Magbigay man kame ng sangkatutak na payo, nasa desisyon pa rin un ng tita ko, pero kung ako sa kanya, ililigtas ko ang mga anak ko sa lugmok na tahanan na un, kung kaya kong magligtas ng dalawang espiritu (2 kids) gagawin ko sa halip na magtiis sa pait ng maling lalake.
Dahil sa pangyayaring to, gusto kong isipin kung saan ang malaking pagkukulang. Ang mga gantong pangyayari ba ay bunga ng maling pagpili o maling dahilan ng pag aasawa???
Sa panahon na to base sa statistics, dumadami na ang mga kabataan na mas pipiliing mag asawa sa edad na early 30s kumpara sa noong unang panahon na 16-18 ay may asawa na. Ang pag aasawa sa kanila ay masusing proseso at hinde isang bagay na dikta lamang ng lipunan. Sa bagay na to, naniniwala ako na ang pag aasawa ay sumasaklaw sa masusing pag pili at matibay na pagdedesisyon na mahalin ang asawa at pamilya mo. Tayo ang nagbibigay ng kahulugan sa bisa ng kasal, at hinde ang isang piraso ng papel --- dahil ang tunay na ganda ng pagpapamilya ay pinaghihirapan, pinagbubuti at karespe-respeto.
20:37 Posted in BLôggÅg | Comments (0)



