Aug 05, 2009

precious time

what a relief for us that my brother finally recovered from dengue. for the first time, i feared for his life, dahil umabot sa 40+ na lang ung platelets nya, which should be 200. i even asked my mom, so what happen if it reaches zero, and she answered fearfully.."eh di patay" --- bigla kong naisip na baket uso ang salitang "patay." recently, as everybody is aware, former president cory aquino pass away. at tulad ng dati na ang tao ay pinupuri ng husto kapag sya ay nasa kabaong na. nagbalik tanaw din sa mga mahahalagang pangyayari nung EDSA 1, kung saan wala pa akong muwang nun. pinalabas din kung paanong ang bawat pilipino kahit marami ang pagkakaiba, pinagsasama sama pa rin tayo kapag demokrasya na ang pinag uusapan. ganun kadami ang taong nakidalamhati ng mamatay si ninoy. ganun din kadami ang nalungkot ng mamatay si cory kamakailan lang. tingen ko nga umiral ang pagiging makabayan naten --- ang mga musika nung EDSA1 ay binabalik, ang mga video footages, ang mga taong naging malakeng bahagi nito. siguro ganun lang talaga kapag mabuting tao ang namamatay, marami ang nalulungkot at nakikiramay sa mga naulila ni cory. minsan nga iniisip ko na kung ang bawat tao ba ay may kamulatan sa kung ano ba talaga ang demokrasyang pinaglaban nila noon? meron pa bang demokrasya tayo ngayon? si noynoy kaya mananalo kapag tumakbong pagka bise presidente? si kris kaya tatalikod sa showbiz at magpupulitika na rin? pano nila pinaliwanag ke Josh or sa mga taong may authesim, ang salitang "death?" meron pa bang susunod sa yapak ni cory? sabagay, isa si cory na masasabeng bahagi ng philippine history na wala akong makitang bahid na karumihan at sana dumami pa ang mga pulitikong ganun.

naisip ko rin na dito sa pinas, ang serbisyong pagpapagamot ay isang magandang negosyo. kung ako ay may pribadong hospital at bawat tao ay sisingilin ko ng P6,000 kada araw, tiba tiba ako nun. wala na rin akong magiging pakelam kung san nila kukunin ang pambayad sa hospital, dahil negosyo ko nga iyon eh. at magrerekomenda rin ako ng kung ano anong "tests" para mas marami silang bayaran. at sa sobrang sikat ko bilang negosyante, papangalawa na ako sa paglo-Lotto, para sa pinakamabilis na revenue generating industry, instant sikat ako --- pero syempre ang lahat ng ito ay kathang isip lang, dahil wala akong pribadong hospital, at dahil hinde ako kaseng ganid ng ibang mga pilipino.

pero ang bottomline sa usapang ito, thanks to the Supreme Being, dahil sa kanya ligtas ang utol ko. :D

X'S: nakakatuwang paglaruan ang Pixton bukod sa cool na tool to para sa mga taong frustrated gumawa ng comics tulad ko, maraming klaseng customization ang pwedeng gawin dito. meron ding pre-made characters or items for quick comic creation. ngayon pa lang ang dami kong naiisip na kakulitan ang pwede kong gawin out of this :D

03:00 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Post a comment