Aug 29, 2009

ekselente

when i saw this pic from tunaynalalake blog, it wouldn't matter kung sinasabunutan ng taga PSG or binubuhat nya sa damit ang pobreng babae. dahil at any rate, there is a better way kung gusto nilang paalisin ang mga nag rarally, hinde sa gantong paraan. gusto kong maniwala sa blog na ang tunay na lalake ay hinde mangangaladkad ng ganito sa kapwa nya tao, hinde uniporme ang magpapalakas ng kanyang pagiging lalake, kung hinde kung paano nya tratuhin ang kapwa tao. ang tunay na lalake ay hindi bubuhat ng tao na parang bumubuhat ng biik.

sabunot.jpg
pro pwedeng tama rin sila, na hinde nga to tunay na lalake, wahehehe.
speaking of which, naalala ko ung isang conversation namen ng katrabaho kung ano ang tunay na leader. napapanahon to lalo na sa mga pagbabago ng straktura sa trabaho, dahil pra samen ang tunay na lider ay mag-aani ng respeto at hinde nya kelangang ireiterate ang posisyon nya. makikilala sya ng subordinates nya batay sa kanyang nagawa at impluwensya sa pamamaraan ng pagtatrabaho, pero para ipagduldulan ang powers nya, yan ay hinde tunay na leader. ang tunay na lider din ay makatao at hinde bumabase sa shit ng kung ano anong metrices. at higit sa lahat ang tunay na leader ay may tiwala sa kanyang manggagawa, at hinde nya kelangang rumonda sa bawat station nito...dahil ang tunay na boss ay hinde umaastang baranggay tanod.

03:06 Posted in BLôggÅg | Comments (0)

Post a comment